Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi
(Dula)
Isinalin ni Moreal Camba
Mula sa "Woyengi - Eksena III" ni Obutunde Ijimere
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
OBUTUNDE IJIMERE
Si Horst Ulrich Beier kilala bilang Ulli Beieray isa siyang German Jewish editor, manunulat at iskolar. Nagmula sa pamilyang Jewish sa Glowitz Weimar Germany. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 30, 1922 at namatay sa Annandale
Sa gulang na 88 noong Abril 3, 2011.
Nangungunang karakter sa pagbuo ng panitikan, drama at tula sa Nigeria pati narin ang panitikan, drama at tula sa Papua New Guinea. Siya ay nagtraboho bilang isang tagapagsalin sa ingles ng panitikan ng tradisyonal ng Nigerian.
Nilikha niya ang Black Orpheus: An Anthology of New African and Afro-American Stories, Thirty Years of Oshogbo Art, Iwalewa House, Bayreuth, at Contemporary Art in Africa.
2. URI NG PANITIKAN
DULA
Ang Woyengi: Sa kaharian ni Isembi ay isang dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo at ang pinakalayunin ay itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan. Kaya sa Woyengi: Sa kaharian ni Isembi, nangibabaw ang pagka-dula nito dahil sa umpisa pa lamang ay may naturang eksena na ang ipinakita, na siyang nangingibabaw dahil sa mga pangyayari at dayalogo na inihayag na patula. Nagkaroon ito ng mga pagtatalo ngunit sa huli ay kabutihan pa rin ang nanaig.
3. LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng may akda ay ipahayag sa mga mambabasa na hindi porket babae na ang kaharap niya ay huhusgahan na nila agad ito ng mahina, tanga, bobo, at walang alam sa buhay. Hindi porket babae ay dapat ng binibigyan ng impresyong pang-bahay lang, dahil kahit ang mga babae ay makakayang gawin ang kung anong mga nagagawa ng kalalakihan, minsan pa nga'y nadadaigan pa ng babae ang lalaki. Pinapahayag lang sa akdang ito na huwag minamaliit ang kakayahan ng isang babae, tandaan lamang na lahat ng tao sa mundo ay may pantay pantay na kakayahan sa iba't ibang pamamaraan nga lang.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
KALAKASAN NG MGA KABABAIHAN
Ang tema ng akda ay tungkol sa kalakasan ng mga kababaihan.Ipinapakita rito na hindi natin dapat maliitin ang kakayahan ng isang babae dahil lahat tayo ay pantay hindi nasusukat ang kapasidad ng isang tao ayon sa kasarian.Dapat tanggalin natin ang kaisipan na ang mga babae ay pangbahay lamang.Hindi natin dapat minamaliit at itinuturing na mahina ang mga kakababaihan bagkus dapat ay binibigyan natin sila ng pantay na oportunidad at karapatan gaya ng sa kalalakihan.
5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
OGBOINBA - Isang malakas at palaban na babae na hindi kaagad sumusuko at umuurong sa mga laban nya. Siya ay mortal na nabigyan ng isang agimat, kapalit ang hindi pagkakaroon ng anak.
ISEMBI- Hari ng Kagubatan na ginagawa ang lahat para mapatalsik si Ogboinba. Isang mapagmataas na sa huli ay talo sa laban nila ng isang mortal.
MGA ESPIRITU - Mga nagsisilbing kaibigan, bantay at kapangyarihan ng dalawang bida sa dula.
6. TAGPUAN / PANAHON
GUBAT
Ang tagpuan ng dulang "Woyengi: sa kaharian ni Isembi" na nasa ikatlong eksena ay sa gubat kung saan naghahari ang mapagmataas na si Isembi na tinangkang pasukin ni Ogboinba.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
A. Panimulang Pangyayari
Ito ay nagsimula sa isang kagubatan kung saan ipinakilala ang dalawang pangunahing
tauhang si Ogboinba at si Isembi, ang Hari ng kagubatan.
B. Pataas na Aksyon
Dito naman naganap ang pagsasagutan nila Isembi at Ogboinba kung saan sinabihan ni Isembi si Ogboinba na wag nang tumuloy sa kanyang sagradong kakahuyan ngunit hindi naman pumayag si Ogboinba sa nais nito at naghamon si Ogboinba na ipakita ni Isembi sa kanya ang taglay nitong lakas.
C. Kasukdulan (Climax)
Ang kasukdulan nito ay ang paglalabanan ni Isembi at Ogboinba kung saan nagbigkasan sila ng kanilang mga bulong o dasal laban sa isa't isa.
D. Kakalasan (Falling Action)
Ang kakalasan ng kwentong ito ay ang pag balik kay ogboinba ng kanyang kapangyarihan matapos nitong matalo si Isembi.
E. Wakas
Nagwakas ang kwento sa pagkawala ng kapangyarihan ni isembi matapos makuha lahat
ni Ogboinba at nanghina ito.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
“Huwag mong hamakin ang aking
pagkababae!
Humaharap ako sa iyo ngayon
Walang kasarian, walang matris
Ang kapangyariahan ko’y higit pa sa
kayang arukin ng tao!
Ipinagkaloob ito kapalit ng kawalan
ng magiging mga anak!
Hinahamon kitang ipakita ang iyong lakas."
“Hindi ako sunod-sunuran!
Alamin mo. Ako si Ogboinba;
Wala akong kapantay sa mundong
ito.”
“Hindi kita kikitlan ng buhay,
kahit karapat-dapat ka nang mamatay!
Pumirmi ka sa iyong gubat: haring
walang kapangyarihan
Isang inutil na pinuno, nangingisay
tulad ng putol na buntor ng butiki”
“Hayaang mapawi ang iyong tamis ng
gisantes
At iyong pait ng kola
Hayaang ang luya, lunurin ka ng
pampalasa;
At ang sili, ng anghang!
Hayaang gupuin ang iyong balat ng
bulak!
Kunin ang iyong lakas— tulad ng
natumbang palma!
Duguin ka tulad ng mga papansin!”
- KAHIT GAANO KA PA
KALAKAS, MAYROON AT MAYROON PARIN MAKAKATALO SA IYO.
- ANG MGA KABABAIHAN
AY MAY TAGLAY NA LAKAS DIN KUMPARA SA MGA KALALAKIHAN.
- MATUTONG RUMESPETO
SA KARAPATAN AT PAGKATAO NG MGA KABABAIHAN.
- HUWAG MAG MATAAS
AT MATUTONG MAGING MAPAGKUMBABA.
- KAHIT NA MAS
MATAAS ANG ANTAS MO SA LIPUNAN, LAGING TATANDAAN NA PARE-PAREHAS LANG TAYONG
TAO.
- WALANG
PATUTUNGUHANG MAGANDA ANG PANGMAMALIIT SA KAPWA.
9. ESTILO NG PAG KAKASULAT NG AKDA
Ang akdang ito ay nilalaman ng mga diyalogo na kung saan ang mga diyalogong ito ay pinalalim gamit ang mga salitang bumubuo rito. Kung hindi mo ito iintindihin ng maayos ay hindi mo malalamang mayroong tunggalian na nangyayari sa dalawang tauhan.
Ang akdang ito ay isang dula, kung saan mayroong pag-uusap na nangyayari sa akda.
10. BUOD
May dalawang makapangyarihan na nilalang —si Ogboinba at Isembi. Sinusundan si Ogboinba ng espirutong kapangyarihan at si Isembi ang hari ng kagubatan naman ay sinusundan ng dalawang nilalang na mukhang ibon na sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan.
Ayaw papasukin ni Isembi si Ogboinba sa kanyang sagradong kakahuyan o ang kanyang kaharian dahil ang kanyang pinakamahigpit na utos ay walang papasok sa kanyang kaharian, pero si Ogboinba ay ayaw/hindi sumunod sa utos ni Isembi kahit pa ito'y isang babae ay hindi siya nagpatalo sa sinabi ni Isembi na “ang agimat ng tao ay nawawalan mg bisa sa mundo ng espiritu walang taong maaaring sumaway sa akin— lalong higit ang isang babae.” kaya't humarap siya ni Ogboinba, walang kasarian, walang matris, na ipakita ni Isembi ang kanyang lakas kay Ogboinba.
Pabulong na ibinigkas ni Isembi ang kanyang dasal para matalo si Ogboinba. Humiwalay kay Ogboinba ang kanyang espiritung kapangyarihan at gumapang kay Isembi, nanghina si Ogboinba, nangisay at bumagsak. At habang binibigkas naman ni Isembi ang kanyang dasal ay nagsimula naman si Ogboinba. Pabulong rin ibinigkas ni Ogboinba ang kanyang dasal kay Isembi, bumalik kay Ogboinba ang kanyang kapangyarihan at nanumbalik ang kanyang lakas. Samantalang si Isembi ay sumaray-suray at nanghina.
Hindi kinitilan ng buhay ni Ogboinba si Isembi kahit na ito'y karapat-dapat mamatay. Kaya't ang hari ng kagubatan ay wala nang kapangyarihan dahil ito'y isang inutil na pinuno. Nangisay tulad ng putol na buntot ng butike.
No comments:
Post a Comment